Hindi june 12 ang araw ng kalayaan.

Pag uusapan natin kung bakit hindi june 12 ang orihinal na araw ng ating kalayaan.

philippines flag

bago natin tumbukin ang katanungan na iyan. lingid sa kaalaman ng marami na hindi lang isang beses na ang pilipinas ay idineklarang malaya. at isa-isa nating pag-uusapan yan.

pamitinan cave

April 12, 1895 nang si andres bonifacio ay idineklarang ang pilipinas ay malaya na sa kamay ng mga kastila.
ito ay ginanap sa isang kweba na may pangalan ding pamitinan cave sa rodriguez rizal.

dito sa loob ng kweba
ay isinulat ni bonifacio sa pader ang mga katagang Viva la independencia Filipinas! na may ibig sabihing
long live philippine independence. gamit lamang ang ilang piraso ng uling. sa loob nito kasama ni bonifacio ang pitong
mga kawani ng katipunan kabilang na dito si emilio jacinto na isa sa may pinakamataas na ranggo sa kilusang
kataas taasan, kagalang galangan, na katipunan.

andres bonifacio

isang taon ang lumipas agosto 1896 nang magkaroon ng sagupaan ang lupon ni bonifacio at ang mga gwardiya sibil sa isang lugar
sa caloocan at ang sagupaan na ito ay kilala sa bansag na “cry of pugad lawin” o “cry of balintawak”
sa pangyayaring ito si bonifacio at ang mga kasama niyang mga katipunero ay sabay sabay na isinigaw na ang pilipinas
ay malaya na.

pinunit ang mga sedula

dito rin naganap ang pag punit nila ng mga sedula upang iparating na sila ay wala na sa puder ng mga espanyol. june 12, 1898 ang sa ngayon na kinikilala nating araw ng kalayaan ng pilipinas sa araw na ito si emilio
aguinaldo ay ipinahayag na ang pilipinas ay malaya na sa lugar ng kawit cavite. ito rin ang pinaka-unang pagkakataon
na ipinakitang iwinawagay-way ang watawat ng pilipinas bilang tanda ng ating pagiging malaya.
sa pangyayaring ito narinig natin ang marcha national filipina o sa wikang ingles ay philippine national march
na siya nating ginagamit na pambansang awit hanggang sa ngayon.

october 14, 1943 ito ang hindi alam ng marami bagamat ng mga taon na ito ang mga hapon ay nandito sa pilipinas
binigyan tayo ng kalayaan pero sa pangyayaring ito. ito ang binansagan ng mga istoryan bilang puppet government.
ang ibig sabihin nito bagamat malaya ang bansa ang halos lahat ng kalakalan sa gobyerno ay kontrolado parin ng ibang
lahi. pero kung ang isang bansa ay nakapaloob dito hindi ito kinikilala ng international law na isang ganap na bansa,
at ito ang sinasabing the real independence day ng pilipinas noong july 4,1946
1944 ng tinulungan na naman tayo ng mga amerikano na mapa-alis ang hindi espanyol kundi ang mga hapon na sumakop
sa ating bansa, ang pagbalik ni McArthur.

calendar

alam nyo ang pagkakapareho ng araw ng kalayaan ng amerika at pilipinas ay hindi coincidence kasi isipin nyo
ang mga amerikano ay maaaring pumili sa 365 na mga araw sa kalendaryo. gayonpaman ang napili nilang araw at buwan
ay july 4. kasi isipin nyo ano pwede nyo itong ikumpara sa sugal para kang tumaya sa 365 na pagpipilian at sa 365 na ito
isa lang ang maaaring maging resulta at kung ganoon man may roon kang 0.27% na tsansa na manalo.

franklin d roosevelt

ngayon mabalik tayo. dito sa mga araw na ito tuluyang nagkaroon ang pilipinas na opisyal na masasasabi nating
pagkakawala ng kahit sinumang ibang lahi na may hawak sa atin. nagkaroon tayo ng pangalan, teritoryo, matibay na
gobyerno, at ang higit sa lahat ito ay legal at nirerecognize ng international law. sa panahong ito ginanap at tinatawag
na treaty of manila sa loob ng philippines independence act at ito ay pirmado ng kanila noong presidente na si franklin
roosevelt.

nagkaroon ng pagkakataon ngayon ang pilipinas upang ma proseso bilang isang malayang bansa. isa sa mga nangyari
noon ay ang pagtatanggal ng mga pilipino bilang american citizen at ibalik ang orihinal na lahi bilang isang
pilipino. ngayon mabalik tayo sa ating malaking katanungan kung ganon e bakit ginawang june 12 ang araw ng ating kalayaan?
maraming nagsasabi na si emilio aguinaldo ay isang makasariling diktador, may ibang artikulo rin ang nagsasabing siya
daw ay nagpapatay sa magkapatid na andres bonifacio at procopio. alam nyo para kay emilio aguinaldo naramdaman niya na
ang pagdeklara ng araw ng kalayaan noon sa pilipinas ay magbibigay sa mga pilipino nang karagdagan inspirasyon o
lakas para ipaglaban ang bansa sa mga espanyol.

layunin niya rin na sa pag gawa nito ay marecognize ng ibang bansa na
ang pilipinas ay ganap na na bansa. pero ito ngayon ang twist alam nyo noong disyembre taong 1897 si aguinaldo ay
pinirmahan ang the pact of biak-na-bato ito ay naglalayong itigil ang lahat ng pagsubok nang kahit sinong pilipino
na labanan ang mga espanyol, kasama narin dito ang pagwatak-watakin ang gobyerno ng pilipinas at higit sa lahat bigyan ng
amnesty o masasabi kong proteksyon siya at ang mga kasama niyang rebolusyonaryong pilipino at magtago sa bansang hong kong.

emilio aguinaldo

at alam nyo ang lahat ng kapalit ng yan magbibigay si emilio aguinaldo ng sumatutal na 800 thousand mexican dollars sa
mga espanyol. at sa 800 thousand dollars na ito kalahati na ang naibayad ni emilio aguinaldo sa mga espanyol.
ngayon pano mo sasabhin na ang ating araw ng kalayaan ay june 12. samantalang ang tao sa likod nito ay handang ibenta ang
buong pilipinas para sa pansariling interes. ito ang laging sambit ng mga taong na hindi kinikilala si emilio aguinaldo
bilang isang bayani.

isa pa, totoong napalaya tayo sa kamay ng mga kastila pero anjan parin ang mga amerikano na siya namang
umukopa sa pilipinas noong mga panahon na iyon. ibig-sabihin lang niyan ay mayroon paring ibang lahi ang sa atin ay namumuno.
ngayon matatandaan na ang huling sumakop sa atin ay ang mga amerikano. at noong 1946 bukal sa loob nila na bigyan tayo
ng kalayaan. dalawang taon lamang iyan ng mabawi nila ang pilipinas laban sa mga hapon. at mula nga ng pinalaya tayo
ng mga amerikano 1946 hanggang 1942 ay july 4 ang official na araw ng ating kalayaan.

aba e kung ganon sino ang puno’t dulo
kung bakit ito binago
?

diosdado macapagal

kilalanin nating ang dating pangulong diosdado macapagal. araw ng mayo ng taong 1962 ng binago niya ang ating
araw ng kalayaan at marami siyang pinahayag na dahilan kung bakit daw niya ito ginawa at ito ang isa sa kanila.
ang isa na hindi nating matatanggi ay noong mga panahon na ito makikita natin ang mataas ng pagpapakita
ng mga kababayang pilipino ng ating pagiging makabayan, pagbibigay ng importansya sa kung ano ang mayroon tayo,
at pagtayo sa sarili nating lahi. ito rin ang mga panahong ipinanganak ang ating mga unang lider tulad ni rizal, aguinaldo,
at bonifacio kung saan sila ang naging susi upang maka-alis tayo sa mabigat na kadena ng mananakop at muling makalanghap
ng sariwang hangin na matatawag nating atin.

american flag

ngayon bigyan natin ng mataim-im na pag-iisip ang ginawa ng mga amerikano sa atin. ito lamang ay opinyon ko at walang
pinagbasehan na artikulo at siguro marami sainyo ang hindi aayon sa mga sasabihin ko. hindi ako historian
pero isipin nyo 1521 hanggang 1898 377 years tayong hawak ng mga espanyol. wala tayong sariling wika, at wala tayong
sariling bansa, dumating ngayon ang mga amerikano nagtuos ang dalawang panig sa pilipinas noong kasagsagan ng
spanish-american war nagtagumpay ngayon ang mga amerikano sa loob ng 47 years ay ang bansang amerika ang humawak sa atin.
nagkaroon ng ikalawang digmaan bumagsak ngayon sa kamay ng mga hapon ang buong hukbo ng amerikano at pilipinong sundalo na
nasa pilipinas. bumalik ang mga amerikano noong 1944 upang gumanti at palayain ang ating bansa sa kamay ng mga hapon.
nagwagi sila at dalawang taon lamang ang lumipas binigyan ng pormal na kalayaan ang pilipinas at ideneklara itong isang
tunay na bansa. alam nyo pwede naman nila tayong wag bigyan ng kalayaan ng mga panahon na mga iyon kasi kung bibigyan
nila tayo ng kalayaan ay sayang lang ang lahat ng kanilang armas, barko, eroplano na gamit sa pakikipagdigma, at higit
sa lahat mawawalan ng saysay ang buhay ng sarili mismo nilang kababayan na nasawi sa digmaan. gayon pa man
heto tayo ngayon may sariling bansa, may sariling wika, may sariling lahi, at matatawag na sariling atin ang pilipinas.
ang ating lupang sinilangan.